Maria Goretti: A Story of Faith, Sacrifice, and Forgiveness

PMs “TNT!” by Pilar Mateo

 

WHO IS MARIA GORETTI?

BAKIT ang istorya niya ang napili ni Atty. Vince Tañada para sumunod sa matagumpay na pagtatanghal ng “Hero-z” ng kanilang Philstagers Foundation.

Balot din ba ng kontrobersya ang isa sa mga pinaka-bata’ng itinuring na santa mula sa Corinaldi, Italya.

 

Itinuring sa isang Santa.

Ayon sa Wikipedia, “St. Maria Goretti is best known for her commitment to purity and the courageous defence of her faith at the young age of ELEVEN that made her willing to undergo death rather than participate in a sin against God. She is also remarkable for the forgiveness she willingly granted her attacker as she lay on her deathbed.

Galing sa pamilya’ng ang ama ay magbubukid, nakikitira sa isang bahay ang pamilya niya at siya.

Sa kasamaang palad ang bente años (siya ay labing-isa lang) na anak ng nga Serenellos na si Alessandro ay tinangka siyang halayin kung saan siya ang tumanggap ng labing apat na saksak. Pumanaw siya na binigyan ng kapatawaran ang nagkasala sa kanya. Na nakulong pero nang lumaya ay naging lay brother sa isang Capuchin monastery.

At ang napisil ni Atty. Vince na gumanap sa mahalagang papel ni Maria Goretti ay ang award-winning child star na napanood sa “Ulan” at “Deleter” , pati na sa “Ang Probinsyano”, “Sana Dalawa ang Puso” at marami pa na si Elia Ilano. Isa rin siyang content creator. At youth leader.

Sa pakikipagtulungan sa Bestlink College of the Philippines napapanood na ito sa Skydome a North EDSA hanggang ika-29 ng Abril 2024 sa ganap na ika-lima ng hapon.

Napapanahon daw na maibahagi sa makabagong henerasyon ang buhay ng isang santa’ng ehemplo ng debosyon, sakripisyo at pagmamahal.

Anuman daw ang iyong relihiyon o kahit pa salat ka rito o wala ka, hindi kailangang iwaglit ang istorya ng isang Maria Goretti.

Sigurado’ng panalo na naman ang musical na ito sa puso ng bawat manonood.

In these trying times, it is but necessary to get inspired with the life of a Saint. (30)

 

edited/posted by Anne Venancio

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Dayo: Temptation in Paradise

Tue Apr 23 , 2024
PMs “TNT!” by Pilar Mateo   A CLUB dancer leaves everything and starts a new life in a place where nobody knows her. But it seems that desire and temptation follow her wherever she goes. Sa unang salpak pa lang ng trailer nito, agad ng umani ng 1.5 milion views […]

You May Like

Like us on Facebook