Dayo: Temptation in Paradise

PMs “TNT!” by Pilar Mateo

 

A CLUB dancer leaves everything and starts a new life in a place where nobody knows her. But it seems that desire and temptation follow her wherever she goes.

Sa unang salpak pa lang ng trailer nito, agad ng umani ng 1.5 milion views ang idinirihe ng siya ring may akda na si Sid Pascua na ginawan ng screenplay ni Quinn Carillo, na “Dayo“.

Rumatsada na ang Rica Gonzales, Aubrey Avila, Marco Gomez, Nathan Rojas, Alvin Reyes, at Alvaro Oteyza starrer sa Vivamax.

Bagamat maaari namang magpa-sexy pa rin ang kumikiliti sa imahinayon ng mga manonood na si Quinn, base na rin sa advice ng kanyang management, le-level up na sa pagganap ito sa sinasalangan ng teleserye sa Kapuso.

Kaya kahit na sa ikot ng malikot niyang isip nagsalimbayan ang alindog at kaseksihan ng mga artista niyang nagsalu-salo sa mga eksena, pakiwari ni Quinn ay wagi naman siya sa pag-execute ni Direk Sid sa maiinit na eksena rito.

Iba ang mapapanood sa mahiyaing si Nathan sa karakter niya sa pelikula. Na punum-puno ng angas.

Simpleng buhay sa isang tahimik na buhay lang naman ang habol ng karakter ni Rica bilang Elsa.

Kaya nang mapagod sa mundo niya bilang mananayaw, dumayo sa ibang lugar kung naaan ang bestfriend niyang si Aya (na ginagampanan ni Audrey). Sa ElYu kung saan panibagong buhay ang kanyang tinahak. At pinakaiwasan ang mahulog ang loob sa lalake.

Pero tukso’ng darating si Eddy (Calvin), isang traysikel driver, sa buhay niya na magpaparamdam ng tunay na pagmamahal na malayo sa mga nakaulayaw niya sa dating mundo.

Pero may malalaman si Elsa na magpapaguho sa mundong sinimulan niyang buuin.

Isang mula sa kanyang nakaraan ang dadayo sa kanilang buhay na may kinalaman sa kanyang nakaraan at nakasingkaw sa kanyang kasalukuyan.

Saan pa ba hahanapin ni Elsa ang sarili niya?

More than the sexy and intimate scenes the players performed, patutunayan ng karamihan sa 3:16 Media Network artists ni Len Carillo that they have found their home sa pinili nilang karera.

Kulang na lang magpatalbugan sa pagganap nila ang mga ito. Which made the production’s work easier and lighter.

Just like the cool breeze of their location in San Juan, La Union, it was a breath of fresh air to see the stars in their best elements in “Dayo”.(30)

 

edited/posted by Anne Venancio

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Within: Ladine Roxas and Kris Lawrence's Musical Reunion

Tue Apr 23 , 2024
PMs “TNT!” by Pilar Mateo   “WITHIN“. Ang kanta’ng magpapabalik sa manga-awit na si Ladine Roxas. Bago nito niyakap ang pribado’ng buhay sa piling ng nagpatibok sa kanyang puso’ng mahusay na composer na si Vehnee Saturno, isa ng sikat na recording artist si Ladine na naging Voice of Asia Grand […]

You May Like

Like us on Facebook