Nick Vera Perez, handa na sa “Laging Ikaw” Album Tour 2024

SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO

 

NASA bansa ngayon ang Filipino singer at record producer na si Nick Vera Perez, ang kasalukuyang Mr. United Nations International (Mr. USA United Nations 2023) at isang multi-awarded recording artist na naka-base sa Chicago. 

Bukod sa gagawing mga mall shows, ipino-promote rin ni Nick ang kanyang second album titled ‘Laging Ikaw’.

Ang Laging Ikaw din ang carrier single mula sa parehong titled album na ini-release noong pandemic ng 2021. Ito ay pumatok nang todo sa madla na umabot sa higit isang million downloads sa loob ng limang araw mula nang mai-release.

Maliban sa Laging Ikaw, ang iba pang albums niya ay pinamagatang I Am Ready, Our Christmas, Parte Ng Buhay Ko, at UnAfraid. 

Kinanta rin ito ni Nick sa several online guestings like sa Showtime online, Myx Global Online, KUMU streaming app, at marami pang iba.

Ang kanyang album ay may 12 tracks at available sa lahat ng 220 digital platforms for our listening pleasure in our favorite music libraries.

Kamakailan din ay nagtapos si Nick ng kanyang Doctorate degree in Nursing sa Walden University, na kinompleto rin niya ang kanyang Masters of Nursing with a Nurse Executive concentration. Ngayon ay tinatapos na niya ang kanyang fourth degree bilang nurse practitioner para maging DNP (Doctorate Nurse Practitioner) – NP (Nurse Practitioner).

(Photos by: Wilson Fernandez)

Isa talaga siyang Singing Nurse-Doctor.

Nakatakdang magtanghal si Nick sa simula ng kanyang Laging Ikaw Album Tour 2024 sa hometown niya sa Zamboanga City sa KCC Mall de Zamboanga sa Atrium sa May 9, 3-6PM. Mapapanood din siya sa General Santos sa SM City Gen San sa Mother’s Day (May 12, 2024 from 3-6PM) at sa Davao City (Gaisano City Gate) sa May 14, 2024, from 3-6PM.

Babalik siya sa Metro Manila, kasama ang kanyang mahal na ina na si Visitacion Tan na kilala rin ng media bilang Mommy Vi, ang tiyahin na si Carmelita Ico, at ang kanyang bagong talent na si Ms. Evelyn Francia, na isang kilalang singer sa Chicago dahil sa kanyang angelic yet powerful vocals. Si Ms. Evelyn ang kanyang special guest sa lahat ng kanyang tours na ito.

Ang mga local talents ay imbitado rin para mag-perform, kasama si Nick, sa lahat ng kanyang mall shows.

Anyway, mapapanood din si Nick sa Farmer’s Plaza sa Cubao sa May 18 (Saturday), Star Mall EDSA-Shaw sa May 19 (Sunday), Isetann Recto sa May 23 (Thursday) at sa Sta. Lucia sa May 24 (Friday). 

Maaari siyang i-follow sa lahat ng social media platforms bearing the same handle, Nick Vera Perez.

-30-

 

edited/posted by Anne Venancio

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Sinag: Claudine Barretto Returns as a Superhero

Sat May 11 , 2024
PMs “TNT!” by Pilar Mateo   KONTROBERSYAL! MARAMI’NG iniwasang intriga kaya mas pinili na ni direk Elaine Estrada Crisostomo na sa ibang bansa na muna manahimik. Pero hindi naman nito mapipigilan ang nagpupumiglas na hilig niya sa pagdidirihe kaya she’s back! Salamat sa mga kaibigan niyang producer na si Aida […]

You May Like

Like us on Facebook