“Pieta” Producer Decides on Advance Screenings as Christmas Gift for Nora Aunor Fans

PMs “TNT!” by Pilar Mateo

NAG-DESISYON ang producer ng “Pieta” na nagtatampok sa nagi-isang Superstar at National Artist na si Nora Aunor, na si Alfred Vargas na magdaos na ng advance screenings ng pelikula nila bilang Pamaskong Handog na rin sa mga tagahanga ni Ate Guy na makita na ang natapos ng pelikula.

Kaya naman hindi lang press ang pumuno sa Sine Pop sa Cubao para tunghayan ang bagong proyekto ni Direk Adolf Alix, Jr. para kay Ate Guy.

Kaya tuwa’ng-tuwa ang nasabik na namang mga supporters ng Superstar nang masilayan na naman sa kanyang pagganap ito.

Mag-ina ang papel nina Ate Guy at Alfred sa pelikula. May mahahalaga ring papel sina Gina Alajar, Tommy Alejandrino, Bembol Roco at Ms. Jaclyn Jose sa istorya ni Jerry Gracio.

Ibang version na ito ng “Pieta” na una na nating namulatawan sa pinagbidahan ni Ace Vergel at mga sumunod pa. Naiba naman ang twists na ginamit sa paglalarawan ng istorya ng mag-ina.

At marami’ng sorpresa’ng pinasabog si Direk Adolf sa kanyang mga katauhan.

Narinig ang tinig ng Superstar na kumanta sa pelikula. Kahit pa ilang linya lang ‘yun, langit na para sa Noranians na muling maringgan itong kumanta. Ng Atin Cu Pung Singsing, a Pampango folk song.

Matutunghayan pa ang “Pieta” sa Cinema 76 (Morato, near ABS-CBN) ngayong December24, 2023 sa ika-3 ng hapon at ika-6 ng gabi bago ito tuluyang maipalabas sa Enero 2024.

Habol na! (30)

 

 

edited/posted by Anne Venancio

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

"Mallari" ni Piolo Pascual, dapat unahing panoorin ngayong filmfest

Sun Dec 24 , 2023
SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO   SA sampung pelikulang kalahok sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2023 na magsisimula na sa Decembòer 25, dapat na unang panoorin dito ang pelikulang Mallari na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.  Ang dahilan? Sulit na sulit ang ibabayad ng madla sa sinehan. Ibang klaseng horror […]

You May Like

Like us on Facebook