Sean de Guzman, JC Santos, Barbie Imperial at Rowan Diaz bibida sa “A Cup of Flavor”, bagong ‘putahe’ ng 3:16 Media network

 

MAY BAGONG pasabog ang 3:16 Media Network ni Len Carillo.

Sa kasagsagan ng paghahanda sa kanyang Metro Manila Fim Festival entry this year na “My Father, Myself”, idinaos na ang storycon para sa kasunod na proyekto nito, ang “A Cup of Flavor”.

Kasama ang magiging direktor na si Ma-an L. Asuncion-Dagñalan, sila ni Quinn Carillo ang sumulat ng istorya’ng tatampukan nina Sean de Guzman, JC Santos, Barbie Imperial at Rowan Diaz.

Tuwang-tuwa ang mga katulong na producer ni Len na kinabibilangan nina Nikko Abad, Jom Corpuz at Jonathan Castillo sa inihaing magandang lovestory ng team ni Len sa kanila.

Tiyak na marami ang mai-in love sa apat na karakter.

This will be shot entirely in Atok, Benguet this Christmas season!

Patikim pa lang ito at ayon sa line-producer na si Dennis Evangelista, ibang kilig ang ihahatid ng ngayon pa lang magsasama-sama sa nasabing proyekto. (30)

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Life story ni Marcos Mamay bago naging Mayor ng Nunungan, Lanao del Norte very inspiring; Baby Go may ka-loveteam na!

Sat Dec 10 , 2022
                KINATUWAAN ng mga nagsidalo sa storycon ng “Lanao” (The Marcos Mamay Story) ang mga sasalang sa papel bilang mag-asawa na sina Alvin Fortuna at Madam Baby Go. Sila na raw ang bagong loveteam na kikilalanin. Kaya lalo’ng sumaya ang storycon nang sa […]

You May Like

Like us on Facebook