Noelle Barcena: From Stand-Up Comedy to Singing Stardom

PMs “TNT!” by Pilar Mateo

 

SA JEFZ CAFÉ siya nagsimula ng kanyang karera bilang stand-up comedian. 2009 ‘yun.

Kasagsagan na noon ng mga sing-along bars at comedy clubs.

Kaya madali ring napansin si Noelle Barcena at nagkaroon ng puwang sa guesting nito sa mga variety programs sa telebisyon gaya ng “The Sharon Cuneta Show”.

Bakit?

Idol na idol na niya noon ang mga namayagpag na sa mundo ng sing-along na sina Anton Diva, Gie Kinis Salonga at Divine Tetay.

At sa pag-idolo niyang ‘yun doon naman ngsimula ang pag gaya niya sa mga boses ng mga iniidolo niya ring OPM artists na sina Regine Velasquez, Jaya, Vina Morales, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gary Valenciano, Lani Mislucha at Zsa Zsa Padilla. Maski ang mga banyaga’ng gaya ni Britney Spears. Pati si Manny Pacquiao. Gulong sa katatawa ang mga manonood when Noelle performs his act.

Maipagmamalaki rin naman kasi ang sarili niyang tinig.

Pero kahit nakapagpapasaya na ng mga tao si Noelle sa trabaho niya as an entertainer, dumaan din siya sa mga hamon ng buhay.

That time, medyo magulo rin ang buhay ko naisipan kong mag-banda. So, sumalang ang sinamahan kong banda sa mga bansa’ng gaya ng Abu Dhabi, Malaysia at Solomon Islands. Iniwan ko na munaa ang sing-along.”

Sa Abu Dhabi, naging in house singer ako with the different bars na nag-pe-perform there. Ang sikat noon doon ‘yung Jason-X. In-enjoy ko naman hanggang nakarating na nga rin sa iba pang bansa gaya ng Malaysia at Solomon Islands.”

Iniwan ko ang sing-along. In 2012. Nung time na pandemic nasa Solomon Islands ako. Walang COVID. Pero may riot so medyo matagal wala akong work. Na discover ko na nakakasulat pala ako ng songs kaya may mga orig songs ako na nasa spotify. Gaya ng “I Wanna Give Up” at “Walang Walang Hanggan”.

Noong 2022 umuwi ako ng ‘Pinas para i try ulit ang sing-along. Kaya nag-start ulit ako sa maliit na bars hanggang sa makapag- workshop ulit at nabigyan ng chance na makapsok sa The Library of Mamu Andrew de Real, and now sa Music Box (powered by the Library) nina Mamu at Boss Jerick Gadeja at Komodia.”

Wednesday nights, inaantabayanan si Noelle ng mga suki na ng Music Box (powered by the Library) hindi lang dahil sa husay niyang kumanta kundi sa sarili’ng estilo niya ng pagpapatawa. Which makes him blend perfectly with his co-hosts.

Such a cool guy. Seen how his patience was tested. When he lost his phone. Nakikipag-communicate pa sa kanya ‘yung diumano’y nakapulot ng kanyang cellphone. At hinintay naman niyang ibalik ito sa MB.

Syempre, napaglaruan na siya. Dahil wala namang nagbalik nito.

But he went on with his Wednesday set. Pinasaya ang mga tao who went there to get entertained.

At ang isang na-sorpresa sa kanyang talento that night ay walang iba kundi ang sumikat na balladeer na si Darius Razon and friends.

‘Di nabakas na may pinagdaraanan ang host.

Catch him at the Music Box! (30)

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Beautéderm CEO Rhea Tan at Blackman family, nagtagpo

Thu Apr 25 , 2024
SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO   MASAYANG-MASAYA ang Beautéderm founder at president na si Rhea Tan nang i-welcome niya ang Blackman family (Jeraldine and Jette) sa kanyang 7-storey building sa Angeles City, Pampanga. Mabilis na nagkasundo sina Rhea at Jeraldine na parehong Ilocana. Si Ms. Rhea ay taga-Vigan, habang taga-Ifugao […]

You May Like

Like us on Facebook