Beautéderm CEO Rhea Tan at Blackman family, nagtagpo

SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO

 

MASAYANG-MASAYA ang Beautéderm founder at president na si Rhea Tan nang i-welcome niya ang Blackman family (Jeraldine and Jette) sa kanyang 7-storey building sa Angeles City, Pampanga.

Mabilis na nagkasundo sina Rhea at Jeraldine na parehong Ilocana. Si Ms. Rhea ay taga-Vigan, habang taga-Ifugao naman si Jeraldine.

Nakakatuwa na ang dalawang babae ay nagkatagpo — na mapagmahal sa pamilya at hindi kinakalimutan ang kanilang pinanggalingan.

Sabi ng business magnate sa Filipina influencer, “You are an inspiration especially to women. You are so authentic that’s why people love you. Kapag pinapanood namin ang videos mo, parang kasama mo na rin kami sa iyong journey as a mother and as a career woman.”

Sagot naman ni Jeraldine, na binisita ang Beautéderm, Beauté Beanery, A-list Avenue, at sumabak pa sa ‘Hakot Challenge’.

I admire you as an entrepreneur. You are so successful pero nag-click agad tayo. We’re both hardworking Ilocanas na ginagawa ang lahat para sa pamilya.”

Nagkausap din ang dalawa sa posible nilang collaboration. Binigyan naman ng birthday gifts ni Ms. Rhea ang anak na babae ni Blackman.

Post ni Jeraldine sa Instagram, “Jette feels so special. You made Jette’s mama and Jette happy. Thank you, A-list Avenue and Miss Rhea Tan for making Jette’s 4th birthday memorable for me.”

Nagpasalamat ang Beautéderm owner sa time na ibinigay ng Blackman family.

Aniya, na-touch siya sa effort ni Jeraldine na talagang dumayo pa sa Angeles. Bilang regalo ay may mga binigay siya sa influencer bago umalis.

I’m just so grateful dahil nagbigay sila ng oras para bisitahin ang Beautéderm fam. Dahil sa pagbisita nila, nakilala namin ang isa’t isa. I told them na dapat bumalik sila. They made the Beautéderm family happy. Plus, Jette’s cuteness, nakakagigil.” sambit pa ng lady boss ng Beautederm.

-30-

edited/posted by Anne Venancio

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Direk Romm Burlat, laging makabuluhan ang birthday celebration

Thu May 2 , 2024
SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO   MATAGUMPAY ang pagdaraos ng 61st birthday celebration ng award-winning direktor na si Romm Burlat last Tuesday, April 30 sa Bolinao, Pangasinan. Ito ang 12th year na ipinagdiriwang ni Direk Romm ang kanyang natal day sa piling ng mga kapos-palad. Nagsimula ito last 2012 at […]

You May Like

Like us on Facebook