Jenn Rosa’s Preparations Before Intimate Scenes in ‘Kulong’ Revealed

SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO

 

May seremonya rin pala ang sexy actress na si Jenn Rosa bago sumabak sa maiinit na lampungan o love scenes sa pelikula.

Ayon sa Vivamax actress na isa sa stars ng pelikulang Kulong, mahalagang bahagi ng hygiene niya sa ganitong pagkakataon ang up and down, meaning, kailangan niyang mag-mouthwash at mag-feminine wash bago ang kanilang eksena.

Ito’y para sure na sure raw na mabangong-mabango ang dalawang bahaging ito ng kanyang katawan.

Wika ni Jenn, “Ako po ang preparation ko, kailangang mabango ako palagi. Kasi ang init ng weather doon, eh. Kaya dapat bago mag-scene ay mabango, naglilinis kami…”

So iyon ang mga preparations ko bago mag-sex scenes. Iyon namang mga pagpapa-sexy (na kailangan), natural na lumalabas na iyon kapag ito na ang ginagawa namin,” nakatawang sambit pa niya.

Nang usisain pa namin ni Jenn, ito ang tugon niya, “So, dapat ay mag-mouth wash at gumamit ng feminine wash, hahaha! And tapos niyon, maliligo ako ng pabango, then puwede ko nang sabihin na, ‘I’m ready guys!’ Hahaha!” Sey pa ng sexy actress sabay banat ng halakhak.

Anyway, sa Kulong ay makikita ang tatlong aspiring screenwriters na magpapakawala ng kanilang alindog dito. Gagampanan nina Jenn, Cariz Manzano at Aica Veloso ang papel ng tatlong magkakaibigan na sina Minerva, Tisay, at Aica.

Para makapag-focus sila sa pagsusulat, tumuloy ang tatlo sa isang private resort. Pero hindi pala katahimikan ang kanilang kailangan, kundi karanasan. At iyon ang malaking problema dahil lahat sila ay clueless pagdating sa sex. Ilang taon na ring single sina Minerva at Tisay, habang virgin pa rin si Love.

Mula sa direksiyon ni Sigrid Polon, kasama rin sa Kulong sina JD Aguas, Ghion Espinosa, at Ralph Christian Engle. Mapapanood na ito sa Vivamax app sa May 24, 2024.

 

-30-

edited/posted by Anne Venancio

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Direk Njel de Mesa, sabay-sabay ilulunsad ang 10 pelikula!

Tue May 7 , 2024
SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO   NAGSIMULANG mag-produce ng pelikula si Direk Njel de Mesa sa kanyang suspense-thriller na “Coronaphobia” noong panahon pa ng pandemya, ngunit natigil rin ito dahil sa kanyang pagsisilbi bilang Vice Chairman ng MTRCB. Pero nang magkaroon siya nang panahon at pagkakataon, rumatsada na ang direktor […]

You May Like

Like us on Facebook