Kitkat naka-5 pregnancy test para masigurong buntis!

NOONG nakaraang buwan pa ibinalita ng komedyana at singer na si KitKat (Favia) na she’s 10 weeks on the family way na.

Pero nakiusap ito na i-sikreto muna ang gagawin nilang pagbabalita sa napakagandang pangyayari na ito sa buhay niya.

Nag-enjoy ako sa kwento ni KitKat kung paano niyang nalamang magkaka-baby na sila ng hubby na si Walby.

Dahil ilang panahon ding nagpi-pills ito. Pero kelan nga lang daw niya itinigil at ayun na nga. Bulls’ eye!

Hindi pa nga raw makapaniwala si KitKat nung una. Dahil ang plano niya eh, magpa-MRI dahil may nararamdaman siya sa kanyang kamay na tila namamanas. Ang asawa pa ang nagsabi na baka buntis siya.

Dahil may napansin nga itong nagbabago sa kanya. At maski si hubby eh, alam kung kelan daratnan ng monthly period niya ang misis dahil siya ang bumibili ng sanitary napkins nito.

Kaya para makasiguro, buy ng pregnancy test kits.

Sa una, lumabas na buntis si KitKat.

Aba! Nag-siguro pa rin. At limang pregnancy test kits pa ang nagamit niya.

Maselan ba ang paglilihi niya ng sa pakiwari niya, base na rin sa ultra-sound eh tila kambal pa ang iluluwal niya (it runs in Walby’s family nga raw)?

Yogurt ang kine-crave ni KitKat at ‘yun daw ang pumupuno sa refrigerator nila sa ngayon.

Hinahanap ai Walby kapag wala sa tabi. At kapag naman nasa harap niya eh, nasusuka siya.

Minsan nga raw na tinawag niya ito at hindi agad tumalima eh kinandaduhan niya at ‘di nakapasok sa room nila.

Hindi naman daw siya mapa-mahiin. Pero sinunod niya ang mga narinig na niyang ipinagbabawal ng mga matatanda kung ikaw ay nagdadalantao. Bawal magpulupot ng tuwalya sa leeg. Bawal kumain ng talong. Bawal na i-announce agad ang kanyang pagbubuntis. Bawal ibili agad ng mga regalo ang baby. At kung anu-ano pang mga bagay na sinunod naman daw niya ngayon.

Ang nakaalam nga ng kanyang kalagayan ay ang mga kasama niya sa “TBATS” (The Boobay and Tekla Show).

“Kailangan ko sabihin kasi baka matulak nila ako. And besides, tuwing taping eh nagsu-swab test kami.  Kasagsagan ng pandemya then kaya medyo na-praning na naman ako. Wala rin kasi work during that time.”

Kung madasalin na raw noon pa man si KitKat, ngayon, hindi lang naging doble ang pagka-madasalin niya kundi triple pa.

“Bawat galaw ko ngayon, ‘Ma talagang may dasal. Kasabay ng pagi-ingat. Na sana, huwag ko mag-spotting. Na magtuluy-tuloy ang pagiging healthy namin ni Baby. Excited kami ni Walby, syempre. An angel is coming into our life! Kaya thankful din naman kami sa mga tao’ng sinasamahan kami sa journey namin ito. Na nirespeto rin ang wish namin na sa tama’ng panahon namin siya ia-announce”, ani Kitkat.

And what better time na i-announce ito kundi sa Araw ng mga Puso!

Congratulations! (30)

 

ABOUT THE WRITER:
PILAR MATEO has been in the writing profession since she graduated from the University of Santo Tomas in 1980, from the Faculty of Arts and Letters, with an AB degree Major in Journalism. Showbiz was not hard to get into. Her Dad, character actor Renato “Guido” del Prado was instrumental in her easy journey in showbiz’ glittery world. She has been writing from 1980 up to the present. Did feature articles, ran columns in different fan magazines, tabloids and now online beats. And also is a publicist of several artists and projects. She has been a part of several organizations-from PMPC (Philippine Movie Press Club) to ENPRESS (Entertainment Press Society) and now in the T.E.A.M. 

 

Posted/edited by: Anne Venancio-Bendanillo

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Toni Gonzaga nagpatapyas ng TF para sa mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN ayon kay direk Olive

Tue Feb 15 , 2022
  EIGHT years ago ang nakaraan nang pinutakti ng intriga ang The Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga, nung  mag tanden sila ng sikat na hunk actor Piolo Pascual sa pelikulang “Starting Over Again” sa direction ng box office director Olivia Lamasan. Marami ang tumaas ang kilay na umabot […]

You May Like

Like us on Facebook