Gene Juanich, sobrang grateful sa PMPC sa award na Best Regional Broadway Actor

SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO

 

NAGPAHAYAG nang sobrang kagalakan si Gene Juanich sa PMPC Star Awards for Music sa natamong parangal bilang Best Regional Broadway Actor 

Aniya, “Sobrang saya ko po siyempre nang bigyan po ako ng special award ng PMPC bilang Best Regional Broadway Actor, isa po itong napakalaking achievement para sa akin and validation po ng pagiging musical theatre actor ko po rito sa New York.”

Hindi man po kami nanalo sa kategoryang Best Collaboration Award ng aking partner na si Michael Laygo, sobrang proud at masaya po kami na makasama sa nomination sa Star Awards for Music dahil napasama po kami sa mga bigatin at kilalang OPM artists sa atin gaya po nina Moira, Ogie Alcasid, Ben&Ben, Gloc9, Juan Karlos at siyempre po si Ms. Regine Velasquez.”

Isang napakalaking karangalan na po na mapasama man lang ma-nominate sa mga iconic artists na ito.”

Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaya ni sir Rodel Fernando po at sa aking publicist na si sir Nonie Nicasio sa very special award na ito,” wika pa ni Gene na isang New York based singer/songwriter/musical theater actor at recording artist.”

Dagdag pa niya, “Katatapos nga lang po ng Off-Broadway Musical namin na Rodgers & Hammerstein’s “CINDERELLA THE MUSICAL” nitong April 5 -14, 2024 sa Fort Hamilton Theatre sa Brooklyn New York. Ito po ay sa direksyon ni Christopher Carver na sobrang napakagaling po talaga at Musical Director naman po si Ethan Smith-Cohen.” 

Naibalita rin ni Gene ang latest na pinagkaabalahan niya sa New York.

Nakasama po ako sa 17th Anniversary & 800th Cabaret Showcase ng kilalang Broadway songwriter po na si Seth Bisen-Hirch na ginanap po sa isang sikat na Cabaret Club sa Midtown Manhattan ang “Don’t Tell Mama NYC” Cabaret Club po.”

Kasama ko rin po ang Broadway star na si Ashley Wool ng Broadway Musical na “How To Dance in Ohio, magkasama po kami sa Cabaret Showcase kanina at ang galing po niya talaga.”

Pati na ang kanyang dalawang latest single ay naibalita rin niya.

Wika ni Gene, “For my single naman po, I will be releasing two singles this first half of 2024 po, isang upbeat Novelty song po, ‘May Nanalo Na Besh, which is a revival of my single of the same title, Tagalog song po siya. Then, isang English Inspirational song po na ang pamagat po ay ‘When You Fall’, mga sariling compositions ko po ito.”

-30-

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

40 Years Strong: The Revival of Music Box Powered by The Library

Sat May 4 , 2024
PMs “TNT!” by Pilar Mateo   40 (FORTY) YEARS! And counting! Nang dumaan ang pandemya, marami’ng sing-along hosts ng una at pinaka-matagal na sing-along o comedy bar ang halos tumiklop na at magbaba ng telon. Kaya maraming performers ang na-displace. Pero dahil pawang madidiskarte, naipagpatuloy pa rin ang kagustuhang mag-perform […]

You May Like

Like us on Facebook