A Sneak Peek at the Making of ‘Kaskasero’

PMs “TNT!” by Pilar Mateo

 

MALA “THE FAST AND THE FURIOUS” ang tema ng bagong pelikula’ng ihahatid ng 3:16 Media Entertainment ni Len Carillo.

Ito ang “Kaskasero” kung saan tampok sina Christine Bermas, Angela Morena, Itan Rosales, Marco Gomez, Elmo Elarmo, Reyniel Oteyza kasama sina Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, Calvin Reyes, Karl Aquino, Mon Mendoza, Vern Kaye, Krizzha Mendoza, at Jhai Salvador.

Mula sa panulat at script nina Quinn Carrillo and Sidney Pascua at direksyon ni Ludwig Peralta.

Dumalaw kami sa set nito sa Maharlika Village sa Taguig (Basilan corner Marawi street).

Nakausap namin ang isa sa bida ng pelikula na si Angela. Na may pasabog sa kanyang producer na si Len sa sagot nito sa mga tanong sa kanya ng press.

Dahil ayon kay Angela, nabibighani siya sa gaya niyang magaganda’ng babae. Mas ‘yun daw ang naa-appreciate niya kaysa kalalakihan.

Hindi nito itinanggi na may mga lesbo ng lumigaw sa kanya. Pero ngayon, focused siya in her career. Kaya, gulat na gulat si Len sa tinuran ng dalaga. Na pwede itong pumatol sa kabaro niya.

At dahil saksakan ng ganda at sexy si Angela, mukhang ‘di magiging dahilan ‘yun para hindi na siya magustuhan ng mga lalake.

When it comes to the roles she does in the movies, mahahaling naman talaga ang kalalakihan sa taglay niyang alindog. At ilang beses naman nitong napatunayan na may ibubuga rin siya sa pag-arte.

Simula pa lang ng mga sizzling scenes na abangan sa pelikula ang sasalangan ni Angela that night. Pero ready ito. Lalo pa at intimate scenes ang inihahanda’ng salangan niya with Itan.

Sila ang gagawa ng lovemaking scene sa ibabaw ng hood ng sasakyan. Na first time raw niya gagawin.

Samantala, sandali’ng namahinga si Christine sa kanyang karera at sa pagbabalik na ito, mas lalo raw siyang magiging palaban sa mga eksenang gagawin niya sa harap ng kamera.

Abala si Quinn behind the cameras that night sa pag-assist sa kanilang director.

At busy naman kami sa pagkain sa pa-handa ni Len para sa mga bumisita sa set. Itsura’ng fiesta sa rami ng pagkain.

Marami pang ia-unfold in the days to come ang pelikula. At this week, kukunan ang big scene sa isang racetrack.

Action packed combined with romance, sex and drama.

Kaskasero. Sa karera. Sa kalye. Sa kandungan…

 

(30)

 

edited/posted by Anne Venancio

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Ten Years of Service: Doc Rob Walcher and Patricia Javier Extend Gratitude Amidst Challenges and Achievements

Sat May 4 , 2024
PMs “TNT!” by Pilar Mateo   TEN YEARS. AND IT PASSED IN A BLUR. AS a way of giving back, the husband and wife team of Doc Rob Walcher, a chiropractor and Patricia Javier, an actress met with the media people who, in one way or another have been part […]

You May Like

Like us on Facebook