Ejay Fontanilla, target sungkitin ang The House of Collab, 1 Million Creator Showdown

SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO

 

SUMABAK ang Viva contract artist na si Ejay Fontanilla sa isang reality contest para sa mga social media influencers at target niyang sungkitin ang tumataginting na isang milyong piso na premyo rito. 

Ito’y sa The House of Collab, 1 Million Creator Showdown. Nagkuwento siya hinggil sa kanyang journey dito.

Aniya, “Pumasok ako last April 26, 2024. Pero two months ako sa Fairfax Academy (another mansion), para siyang booth camp na nandoon mga content creators. Pero ang kaibahan lang sa Thoc Mansion is 24/7 ang camera nila.”

Pero may mga challenges and report cards din sa Fairfax. Two months ako nag-stay doon bago ako makapasok sa Thoc mansion.” 

Pagpapatuloy pa ni Ejay, “Hanggang May 31 ito I guess, since it’s a 90 day show. Nag-start ito ng March 1.”

Puro mga social media influencers lang ba sila rito?

Oo, pero may mga bago lang din sa social media, like mayroong konsehal, ang iba students, at ang iba naman came from past seasons ng Thoc din. Twenty five content creators kami sa Thoc Mansion.”

Parang PBB ba iyan na may eviction din at may botohan thru text?

Tugon niya, “Yes, may botohan din dito kapag mayroong weakest (nominated). Bale, malalaman kung weakest ka every Monday, may after dark. Tapos BID NIGHT (Eviction Night) every Friday naman.”

Ang premyo sa grand winner ay 1M, may ibang premyo rin ba para sa 2nd placer, 3rd placer, etc?

Not sure if may mga 2nd and 3rd placer, we don’t know. Hehehe, but yes, 1M ang grand prize rito,” sambit pa ni Ejay.

Mahirap ba dyan sa House of Collab?

Hmm… masasabi kong normal lang naman ang challenges na mga ginagawa, kasi we are fighting for 1M and siyempre dapat maging competitive ka when it comes to report cards. Kasi, malaking factor ang report cards namin, kasi minsan doon nagbe-based kung sino ang malalagay sa weakest.”

Sino na ang naka-collab niya?

Halos lahat naman naka-collab ko na. Both Fairfax and The House of Collab content creators.”

“Ang galing nga ng pagpasok ko, kasi may production number pa ako. Hahaha! Also, walang sent home (evicted) last Friday, walang natanggal. Ako lang ang pumasok.”

Ano ang production number niya, sing and dance?

Ang panlaban ko talaga dito is yung alter ego ko, si PAMPAM GIRL. Ito iyong another character ko. Kapag suot ko na kasi si Pampam, nagiging ibang tao ako at hindi ako nahihiya,” masayang pakli pa ni Ejay.

 

-30-

edited/posted by Anne Venancio

ShowbizTwenty4Seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

Jenn Rosa's Preparations Before Intimate Scenes in 'Kulong' Revealed

Mon May 6 , 2024
SAKTO! NI: NONIE V. NICASIO   May seremonya rin pala ang sexy actress na si Jenn Rosa bago sumabak sa maiinit na lampungan o love scenes sa pelikula. Ayon sa Vivamax actress na isa sa stars ng pelikulang Kulong, mahalagang bahagi ng hygiene niya sa ganitong pagkakataon ang up and […]

You May Like

Like us on Facebook